Asogwa Ministries
Tagalog Translation - Daily Doses of Gospel Pills
Susan Tarucan Benedicto
Philippine Interpreter (Tagalog)
Mag-clik dito! Mga artikulo na inyong mababasa sa wikang Tagalog.
To Read More About Susan,
Download File:
Click the PLAY Button to Listen:
Sino Ang Namumuhay Sa Iyong Tahanan?
Sino ang namumuhay sa inyong tahanan? (kung sino ang may pandinig, hayaang makinig) : Humalakhak si Sarah. Ang mga kapatid ni Joseph ay kinutya at kinamuhian. Ang mga tao ay hahalakhak, mangungutya at aalipustahin ka sa kadahilanang nakasalalay sayo ang tiyak na pakay at mabuting layunin. Pwede ko bang makausap ang tunay na totoong mga tao na may problema? Mga taong alam kung paano ka lait-laitin ng mga ralihiyosong mapagkunwari? Mga taong namumuhay sa panunuri, pamimintas at mapagsalungat.
Mga relihiyosong sa isipan lamang na nakagapos sa grupo ni Pharaoh, ng mga Pariseong mapagkunwari at hindi tunay? Mapapasama ka sa sirkulo ni Phobias na iiwanan kang lumpo at hindi makakalakad gaya ng isang paralitiko, "Maari ko bang gawin ito? at "Maari ba akong salungat? gamitin ng Dios". Kailangan natin ipaubaya at hayaan ang Banal na Espirito na turuan tayo kung sino ang mga tunay na alagad na nabibilang kay Kristo.
Ang buhay ay hindi laging nagpapatungkol sa "matatamis na pananalita" at "hindi sakto sa katotohanan at maling pangangaral" patungkol sa mga paksa o tema ng pagtatalakay na ating kinatatakutan. Tayo ay mga anak ng Kataas-taasang Dios. Itigil natin ang pamumuhay na may pagtanggi, pagkukunwari na para bang inihahalintulad sa isang pirasong mamon o keyk na masarap at matamis ngunit kabaliktaran.
Pinakitunguhan ng ating Panginoong Hesus ang mga tao noong Siya ay naparito. Hindi Siya nagsalita o nagkimkim ng galit sa kanilang likuran, kailan man ay hindi Siya umiwas na may takot. Ang Kanyang mga mensahe at malinaw at dalisay, tumpak, tiyak at wasto, at may patnubay. Sa katunayan ang Biblia ay nagpatunay at nagtala na noong hinarap at pinagsalitaan ni Hesus ang mga tao sa kanilang pagkukunwaring kabanalan, ang Kanyang mga salita ay tumagos sa kanilang mga puso kaya sila ay nasaktan at gusto Siyang sirain at ipapatay. Ang Panginoong Hesus ay hinamak at tinanggihan. Huwag tayong magulat at magtaka kung may mga taong gusto kang sirain at saktan ng kanilang mga grupo at mga kinabibilangang mga kaibigan. Hindi ka laging magbubunyi.
Ang salita ng Dios ay matalim na hihiwa at tatagos sayo bago ito makakapagpagaling at magbibigay ng lunas. Ang Salita ng Dios ay maaaring magpalaya o maghatol sayo. At bilang ganap na mga anak ng Dios, kailangan nating ituro at ihayag dahil ito ay Kanyang Salita na kung saan tayo namumuhay ngayon, kapag ikaw ay nahiwa ng tabak ay Siya pa rin ang may kapangyarihan na magpapagaling at hihilom ng iyong mga sugat, kung tatanggapin mo ang Kanyang pagwawasto, pagtutuwid at kawikaan. Gagamitin ng Dios Ama ang Kanyang pinili at ginusto, at kung napagsalita niya ang asno sa panahong iyon, makasisigurong gagamitin ka rin Nya at ako sa kapanahunan ngayon.
Ang espirito ng mga Pariseo ay nakamamatay, at gusto nitong patayin ka ng lubha gaya ng dapat sana na mangyayari sa babaeng nangalunya na ang hatol ay babatuhin hanggang sa mamatay (walang habag). Gayundin, walang makapagsasabi sa babaeng Samaritana sa balon (lipi ng mapagmataas at pagbubuklod-buklod). Meron ng salitang Phariseutical (sa diktionaryo ni Narda) espirito ng mga relihiyoso na mahigpit na nagpapatupad ng mga kautusan sa simbahan ngayon at ito ay espirituwal na pagkilos kung saan ang talaan ng kanilang pinag-uusapan ay mapanatili at patuloy na manahimik, tikom ang bibig at may takot ang mga pabalintiyak na mananampalataya.
Dahil sa ang mga espirito ng mga Pariseo ay estratehiko at mapamulang may pangungutya tinutuligsa nito at higpit na hinahawakan ang kanilang bihag na nakapiit sa lahat ng uri ng pamamaraan. Ito ay nakatahan, pinararami, ang mga kampo ng mga dogmatiko sa katuruan at sekta, ito ay nakadisenyo ng sa gayon ito ay walang pasubaling yayakapin mo.
Dahil ito ay iyong patuloy na may kasiyahang sundin at gawin at hindi ka na hahanap pa ng mas higit. Pananatilihin kang nasa pangarap at panaginip na lamang ng iyong buhay. At dahil sa ikaw ay takot (((sapagkat))) "Sinabi Nila" na "Sabi ng Dios" na wala kang kuwenta at silbi at hanggang diyan ka na lamang, wala kang pakiramdam para hanapin at tuklasin kung sino ang tunay na Dios sa buhay mo.
Tingnan mo nga, nauunawaan ng kaaway kapag ang Banal na Espirito ay naghahayag ng katotohanan kung sino si Kristo sa buhay mo, at magiging kahalintulad ka ng babaeng Samaritana na kinatagpo ng Panginoong Hesus sa balon at ipanagpatuloy ang pagtuturo ng Ebanghelyo sa siudad ng kanyang kinasasakupan sa pamamagitan ng pagsasabi ng "Halika tingnan ninyo ang tao na aking nakilala" at nagsabi at nakakikilala kung sino ako. Kung hindi naman ito maaari, ang kilusan ng mga Pariseo ay paghintayin si Saul, handa na suotan ka ng damit na kagaya nila, magsasalita ka ng kagaya nila, mamumuhay ka ng kagaya nila, at makikidigma ka ng gaya nila. Ito ay nagpapaunawa ng kapangyarihan ng imahen. Pero ang imahen ay hindi siya makapangyarihan para makipaglaban at kitilin ang buhay ni Goliath.
Huwag mo hayaan na suotan ka ng damit ng ibang tao. Hayaan mo na ang Salita ng Dios ang magsuot sayo ng paulit-ulit. Tayo ay dati ng larawan na pinaggupit-gupit at pinutol-putol hanggang sa hindi na natin alam kung ano mayroon tayo at naging ano na tayo. At dahil dito tayo ay napailalim sa galit ng Dios, pagtatalaga paghihiwalay sa ating mga sarili ,sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin nang sa gayon ay mapabuti at dalisayin ng ating Dios ang pagbabagong-anyo at manahan, manatili sa atin.
Makinig! Ang mga oposisyon sa labas ay isang bagay lamang, pero ang harapin ang oposisyon sa looban ay iba pa. Kailangan mong tukuyin ang kaaway sa labas, gayundin ang kagustihan mong hawakan ang pagkakataon sa loob. Huwag kang matakot. Maaring kapuotan ka o mahalin ng mga tao. Pero ang mga taong iyon na nakakakilala sa kanilang dios ang gagawa ng pagsasamantala.
Ang mga tao ay sisigaw ng "Hosanna" ngayon at pagkatapos "Ipako Sya!" bukas. Dapat mo lang ito matanggap. Hindi mo puwedeng pahintulutan ang relasyon, pagkakaibigan o ano mang uri ng kaugnayan sa tao na makahahadlang sa Salita at utos sa iyo ng Dios. Kung ito ay magiging dahilan at makakahadlang sa Salita at utos sayo ng Dios, at kung ito ay magiging dahilan din ng pag-iwas nila sa iyo, pabayaan mo sila.
Ang mga taong may pakay at magandang layunin ay hindi nakatali ayon sa kapangkariwanan at nakakulong sa kadena ng Ehipto. Hindi ka na nakakahon sa isipan ng mga Pariseo, wala kang utang na loob sa mga Pariseo kundi pag-ibig at katotohanan. Kaya naman oras na para sabihin ang malayo-para-makita upang pumunta. Oras na para sabihin na nakakalungkot-na-makita, hindi ako maaaring manatili. Oras na para sabihin sa mga Pharaoh iyon sa inyong mga buhay na gagawin mo na ang paglisan, lilisanin mo na ang sirkulo ng "Pangangalagaan ko kung ano ang iyong iniisip."
Ang kaaway sa labas ay hindi kasing mapanganib sa kaaway na nasa loob dahil kailangan niya munang pasukin ang loob para sirain, baliin at nakawin kung ano man ang meron na nasa loob. Kung ang kaaway na ay dumating sa loob laban sa iyo, ito ay dahil sa kayamanan ng Dios na inatang Niya sa iyo. Inilagay ng Dios ang kahon ng kayamanan na ang tawag ay MAGANDANG LAYUNIN/MABUTING HANGARIN. Ito ay napakahalaga. Ito ay makapangyarihan. Ito ay pinagkaloob sayo. Kaya nga gusto niya itong nakawin sayo, hadlangan mo, at tapakan. Huwag mo pahintulutan o bigyan ng lakas ng loob ang opinyon ng iba para pigilin ang pagkilos sa iyo ng Panginoon. Ngayon, sino ang nananahan sa iyong tahanan? Oras na, para alisin ang mga bagay-bagay at isara ang ilan sa mga pintuan. Ang taong may tenga, pabayaan mong makinig kung ano ang sinasabi ng Banal na Espirito sa Iglesia. Sa pangalan ng Panginoong Hesus! Amen!
Copyright 2015 Daily Doses of Gospel PiLLs. All Rights Reserved.
Narda Goodson Ministries * P.O. Box 624 * Whitewright, TX 75491
May kapahintulutan na ilathala, imprenta at ipamahagi ang kabuoan ng artikulo kasama ang header at footer na isinalin sa wikang Tagalog.